SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Isang dating alkalde sa Nueva Ecija at 11 iba pa ang nahaharap sa kasong plunder at graft sa Office of the Ombudsman kaugnay ng P102-milyon proyekto ng lokal na pamahalaan.

Batay sa 14-pahinang reklamo na inihain ni incumbent San Antonio Mayor Alvin C. Salonga, natuklasan ang umano’y patung-patong na anomalya sa mga naging transaksiyon sa ilang proyekto ng pamahalaang bayan.

Kinasuhan ng plunder na may tatlong bilang ng malversation of public funds at pitong bilang ng graft si dating Mayor Antonino Lustre, ang mag-asawang Julio at Marietta Semacio, sina Engineers Eloy Castillo, Michael Galang, Renato Bustamante, Roberto Odulio, Julito Galang, Jr., Daisy Pili, Mercy Reyes at Constancia Salonga, at ang Papiss, Inc. na kinatawan naman ni Pedro Perez.

Natuklasan din ang umano’y maanomalyang transaksiyon sa pagpapagawa sa dalawang-palapag na commercial building na nagkakahalaga ng P52.1 milyon, P45-milyon na slaughter house, at Integrated

Probinsya

Malawakang rotational brownout sa Siquijor, nauwi sa deklarasyon ng state of calamity

Terminal Complex, bukod pa sa pagbili ng agricultural lot sa Barangay Sta. Cruz. (Light A. Nolasco)