MAGKAKAROON pala ng Your Face Sounds Familiar Kids edition at mananatiling hurado sina Ms. Sharon Cuneta, Gary Valenciano minus Jed Madela na papalitan ni Ogie Alcasid.

Nakagugulat ang biglaang pagpasok ni Ogie sa programa lalo’t may nawalan.

Tinanong namin si Jed kung bakit siya nawala o umalis sa Your Face Sounds Familiar gayong siya ang isa sa mga orihinal na hurado.

“Hi Reggee! Hindi po ako umalis ng YFSF. The franchise owner of the show has a rule for this new format of YFSF. The rule requires the judges to be PARENTS since it will be involving kids.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Yes, I’m sad, but we have to follow and respect the rules of the franchise owner. Hopefully, for the next adult season, they’ll put me back in,” paliwanag ni Jed.

May ganitong ruling pala ang Fremantle, e, oo nga, hindi nga puwede si Jed kasi hindi pa naman siya magulang.

Pero tayming lang na hindi kasama si Jed dahil kadalasan ay wala siya sa bansa sa susunod na taon.

“Yes po. But I’ll also be away for most of the time. Next year will be really busy. I’ll be doing a concert tour in the US, Canada and Europe,”pahayag ng TV host/singer.

Kahit naman pala nawala siya sa programa ay marami namang out of the country shows na kapalit.

“Yeah! I am still blessed! I will miss doing YSFS and pray I’ll be back for the adult season. But for now, focus na lang muna sa mga tours and concerts,” sabi ni Jed sa amin kahapon. (Reggee Bonoan)