Kabuuang 1,200 golfer mula sa abroad ang nagpatala ng paglahok sa 67th Fil-Am Invtiational Golf Tournament na magsisimula ngayon sa Baguio Country Club at Camp John Hay.

Ang torneo ang itinuturing ‘largest and longest-running amateur golf tournament’ sa buong mundo.

Inimbitahan bilang special guest at kabilang sa ceremonial tee si Ms. International Kylie Versoza.

Liyamado ang defending titlist San Miguel–Northern Cement sa seniors division, sa pangunguna ni dating pro champion Eddie Bagtas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Mas malakas pa ngayon,” sambit ni Bagtas, patungkol sa koponan na binubuo rin nina Tommy Manotoc, Chito Laureta, Lino Magpantay, Rudy Amata at Benjie Sumulong.

Sisimulan ng San Miguel ang kampanya sa Nobyembre 27 kontra Pugo Adventure, pangungunahan nina Fred at Douglas Fucket.

“This will be a tough Fil-Am golf just like last year,” pahayag ni CJH Golf Club manager Tim Allen.

“The course is in perfect shape,” sambit naman ni BCC spokesperson Andrew Pinero.