Dead on the spot ang isang lalaki nang ratratin ng mga ‘di pa nakikilalang suspek sa Barangay San Joaquin, Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ireneo Enciso, 54, ng 58 E. Mendoza Street, Barangay Buting, Pasig City.

Sa ulat ni SPO1 Eduardo Pablo ng Pasig City Police, dakong 7:40 ng gabi nangyari ang pamamaril sa R. Jabson Street, Bgy. San Joaquin.

Ayon sa testigong si Florentino Pardinan, nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa lugar at nang kanyang tingnan ay nakitang duguang nakahandusay ang biktima.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Kaagad namang itinawag ni Pardinan sa Rescue Team ng Barangay San Joaquin ang insidente at isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit patay na ito.

Ayon sa mga pulis, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo sa pamamaril nang malaman na kabilang si Enciso sa drug watch list ng barangay.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)