Patay na nang matagpuan ang isang sanggol na isinilid sa ice box bago itinapon sa isang landfill sa Davao City.
Inaalam ngayon ng Davao City Police Office (DCPO) kung sino ang nag-iwan sa bagong silang na sanggol na babae, na isinilid sa ice box kahalo ang ilang lamang-loob ng isda.
Isang mangangalakal ng basura ang nakatagpo sa sanggol, na hinihinalang galing sa ibang lugar at itinapon lamang sa sanitary landfill sa Barangay Tugbok. (Fer Taboy)