Arestado ang apat na hinihinalang tulak ilegal na droga matapos makumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon sa pagsalakay ng mga awtoridad sa isang motel sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Chief Supt. Roel B. Obusan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), dakong 3:30 ng hapon nitong Martes, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Api Tiu, Henry Bernales Go, Luz Chan Ang, at Betty Chan.

Sinalakay ng mga pulis ang dalawa sa mga kuwarto ng isang motel sa 518 Tomas Mapua Street, Sta. Cruz, Maynila at nasamsam ang 600 gramo ng shabu at P1.7 milyon cash.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang apat na suspek. (Fer Taboy)

National

VP Sara, bilib kay FPRRD: 'Nakakulong na, pinag-aagawan pa rin ng mga GF sa labas!'