Sa harap mismo ng kanyang pamilya tumimbuwang ang isang padre de pamilya matapos siyang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Dead on the spot si Jomari Gomo, 35, ng Phase 9, Package 9, Block 108, Excess Lot, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng cal. 45 sa ulo at katawan.
Dakong 12:35 ng madaling araw, himbing na himbing ang biktima at kanyang pamilya nang sapilitang pumasok sa kanilang bahay ang dalawang lalaki na nakasout ng face mask.
Nang masilayan ng mga suspek si Gomo ay agad na nila itong pinagbabaril habang nagmamakaawa ang kanyang pamilya sa ‘di kalayuan.
Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay sa motorsiklo na walang plaka.
Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal. 45. (Orly L. Barcala)