TANAUAN CITY, Batangas - May nasamsam na sachet ng hinihinalang shabu at marijuana sa bangkay na natagpuan nitong Miyerkules sa tabi ng maisan sa Tanauan City, Batangas.

Inilarawan ang bangkay na nasa edad 30-35, may taas na 5’-5’6”, nakasuot ng green polo shirt, puting jacket at brown short pants.

Ayon sa report ni PO1 Julius Andew Dionisio, dakong 8:30 ng umaga nitong Miyerkules nang matagpuan ang bangkay sa Barangay Natatas.

May tama ng bala ng baril sa kaliwang mukha ang biktima at nakabalot ng packaging tape ang ulo, bukod pa sa may katabi itong karatula na nasusulatan ng “’Wag tularan, pusher ako”. (Lyka Manalo)

Probinsya

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile