Sinampahan nitong Miyerkules ni Ormoc City, Leyte Mayor Richard Gomez ng kasong administratibo sa Ormoc Prosecutor’s Office ang hepe ng Albuera Police at isang opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 8.

Kinasuhan ni Gomez sina Chief Insp. Jovie Espenido, hepe ng Albuera Police; at Chief Insp. Leo Larraga, ng CIDG-Region 8, kaugnay ng Senate hearing nitong Nobyembre 10 nang pangalanan ni Larraga ang alkalde bilang umano’y protektor ng Espinosa drug group sa Eastern Visayas.

Iginiit na ang pagdawit sa kanyang pangalan sa ilegal na droga ay paninira sa kanyang magandang reputasyon, mariin ding itinanggi ni Gomez na sangkot siya rito, at sinabing matagal na siyang anti-drug advocate.

Sinabi naman ni Espenido na hindi siya nababahala sa kaso at idinagdag na handa siyang harapin ang mga akusasyon ni Gomez laban sa kanya. (Fer Taboy)

Probinsya

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile