FEELING fulfilled si Lovi Poe kapag nakakabasa ng message na hindi lang ang acting niya sa pelikulang The Escort at teleseryeng Someone To Watch Over Me ang pinupuri, kundi para ipaalam na inspirasyon siya sa pag-aaral kanyang tagahanga.

Nag-post sa Instagram ang isang fan ni Lovi na (loviepoeupdates) para ipaalam na hindi siya nakakapanood ng Someone To Watch Over Me dahil busy siya sa kanyang studies. Ipinost din ng fan ang kanyang report card na matataas ang grades at sabi nito, para ‘yun sa aktres na inspirasyon niya.

Ikinatuwa ni Lovi ang panghuling binanggit ng fan na, “I love you!!! I hope I made you proud!”

Sagot ni Lovi: “I obviously do not project the qualities of a role model. Sometimes I get in trouble or get a lot of flak for being true to myself... but certain things such as this remind me of how lucky I am to be able to serve as an inspiration to a few.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“If there’s one thing I’d promise people like my dear Kyla... I’d do my best to have a character that’s worth emulating. You say I inspire you... But I’ll tell you guys a million times that it’s the other way around. Good job @lovipoeupdates!!! I’m proud of you! and it’s ok if you miss out on my show! I’m glad that you know how to set your priorities.”

Samantala, nakabalik na mula Vigan si Lovi at ibang cast ng Someone To Watch Over Me. Bumalik sila dahil may mga eksenang doon uli kinunan, mga importanteng eksena na hindi puwedeng dayain at hindi papayag si Direk Maryo J. delos Reyes na dayain ang viewers.

Napanood na ang ilang eksenang kinunan sa Vigan na magse-set ng bagong conflict sa story ng Someone To Watch Over Me.

(Nitz Miralles)