Pinagtibay ng Commission on Audit (CoA) ang inilabas nilang notice of disallowance laban sa P11.2 milyong insurance coverage para sa mga miyembro sa Social Security Commission (SSC) na namamalakad Social Security System (SSS) noong 2008-2011.

Ito ay matapos ibasura nina CoA chairman Michael Aguinaldo, Commissioners Jose Fabia at Isabel Agito ang isinampang petition for review ni Corporate Legal Department manager Joselito Vivit ng SSS, na humihiling na ibasura ang notice of disallowance laban sa SSC.

Ayon sa CoA, inilabas nila ang notice of disallowance kaugnay ng Directors’ and Officers’ Liability Insurance coverage sa SSC members noong 2012 dahil sa kawalan ng sapat na batayan ng mga ito. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter