SANTA IGNACIA, Tarlac - Isang negosyante at manager ng isang malaking piggery sa bayang ito ang nabawi mula sa apat na lalaki at isang babae na dumukot sa kanya halos isang taon na ang nakalilipas, nang napatay ang isang security guard at nasugatan ang isa pa sa Barangay Sta. Ines East.

Sa progress report kahapon ng pulisya ay na-rescue na si Giovanni Rossano Tan, 30, may asawa, taga-Bgy. Ligtasan, Tarlac City.

Hapon ng Disyembre 10, 2015 nang dukutin si Tan sa pinagtatrabahuhang piggery at nasawi sa insidente si Joymie Dancel, 55, ng Bgy. Sta. Barbara, Victoria; habang grabe namang nasugatan si Joseph Florentino, 21, binata, ng Bgy. Sinait, Tarlac City.

Naaresto sina Marlon Altizo, 36, ng Barobo, Surigao Del Sur; Jemmel Cinco, 28, ng Fortune San Miguel, Marikina City; isang Rolly, 36; Drackilou Falcon, 28, ng Surigao Del Sur; at Abegail Lapinid, 18, ng San Andres Bukid, Maynila.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nadakip ang mga suspek sa Matnog Ferry Terminal sa Matnog, Sorsogon, at doon din nailigtas si Tan. (Leandro Alborote)