MATAPANG si Kim Domingo dahil kahit katakut-takot na bashing at malalaswang salita ang ipinupukol sa kanya ng netizens sa pagpo-post niya ng picture na kita ang right boobs niya na nipple na lang ang hindi nakita.
Hindi pa rin niya dine-delete ang controversial picture.
Kahit dumaranas siya ng tinawag ng kanyang fans na slut shaming, dedma si Kim at sinasagot pa nga ang mga nang-ookray sa kanya.
Pati sa radio, pinag-usapan ang very hot picture ni Kim dahil may katapangan ngang talaga.
May nagtanong kay Kim kung pumapayag ba siya na pinagpapantasyahan siya ng kalalakihan?
“It’s not my problem anymore kung pagnasahan nila ‘ko, who cares? And kahit nagpapakita ‘ko ng katawan, may respeto pa din ako sa sarili ko dahil hindi ko naman ‘pinapagamit katawan ko sa kahit kanino. Hindi sa damit nababase kung may respeto ka sa sarili mo o wala,” sagot ni Kim.
Nasundan pa ang pagiging controversial ni Kim sa bagong picture na ipinost niya kuha sa presscon ng Bubble Gang na may hawak siyang bilao ng petchay. Ang hashtag ay #PatikimNiKim #Petchay.
Gaya nang dati, dedma si Kim. Kaya lalong nagngingitngit ang kanyang bashers. Napansin lang namin na kung may babaing bashers si Kim, mas maraming kabaro niya ang nagtatanggol sa kanya at magandang senyales ito.