Nakakulong na ngayon ang apat na suspek sa pagpatay sa isang piskal sa Mati City, Davao Oriental.

Nadakip ng pinagsanib na mga tauhan ng Governor Generoso Municipal Police at Davao Oriental Police Provincial Office sina Regar Torreon, Julieto Manguimpa, Jerry Mabolis at Eddie Perales, pawang taga-Governor Generoso.

Sinabi ni PRO-Davao Spokesperson Chief Insp. Andrea dela Cerna na ang mga suspek ay pawang miyembro ng Repolyo Gang, at itinuturong bumaril at pumatay kay Prosecutor Rolando Acido, city prosecutor ng Mati City, noong Oktubre 26.

Ayon sa pulisya, ang leader ng grupo na si Rey Madanlo ay may standing warrant of arrest at pinaghahanap pa ngayon.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

(Fer Taboy)