MA. AURORA, Aurora - Ilang barangay sa mga bayan ng Aurora at Dipaculao ang idineklarang “drug-free” batay sa malawakan at pinaigting na kampanya kontra droga.
Kinumpirma ni Ma. Aurora Police chief, Senior Insp. Bayani Balbuena na drug-free na ang mga barangay ng Poblacion 1, Alcala Bazel, Calituculam East, Calituculam West, Suguit, at Wenceslao sa nasabing bayan; gayundin ang mga barangay ng Toytoyan, Diamanen, Laboy, at Calaocan sa Dipaculao. (Light A. Nolasco)