STO. TOMAS, Batangas - Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa isang 64-anyos na lalaki na natagpuan sa paanan ng Mt. Makiling, sa bahaging sakop ng Sto. Tomas, Batangas.
Nabatid na bago natagpuan sa bundok ay umalis ng bahay si Nilo Ilagan, 64, taga-Barangay Sta. Elena, para mag-uling sa lugar.
Ayon sa report ni PO2 Emiliano Carandang, dakong 7:00 ng umaga nitong Sabado nang natagpuan si Ilagan ng kanyang live-in partner na may mga sugat sa binti at ulo at wala nang buhay. (Lyka Manalo)