Nagbaril sa sentido ang isang mister makaraang tumangging makipagtalik sa kanya ang kanyang misis sa bayan ng Libacao sa Aklan, iniulat kahapon.
Kaagad na namatay si Ernani Santiago, 33, ng Barangay Agmailig, Libacao, makaraang magbaril sa sentido, gamit ang isang .22 Magnum.
Batay sa pagsisiyasat ng Libacao Municipal Police, kagagaling lang ng mag-asawa, kasama ang bunso nilang anak, sa pagdalo sa isang okasyon at pag-uwi ay inaya ng mister ang asawa na magsiping ngunit tumanggi ang huli. (Fer Taboy)