Binaril at napatay ang isang negosyante makaraang tambangan sa Santiago City, Isabela.

Palaisipan sa mga pulis kung ano ang motibo sa pamamaril kay Bernito Palafox, 55, may asawa, self-employed, ng Barangay Bannauag Norte, Santiago City.

Batay sa imbestigasyon ng Santiago City Police Office (SCPO), hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Balintocatoc, Santiago City.

Sa panayam ng lokal na himpilan ng radyo sa anak ng biktima na si Denmark Palafox ay sinabi nitong malaki ang posibilidad na napagkamalan lang ang kanyang ama. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito