ZAMBOANGA CITY – Inaresto ng pulisya ang isang drug dealer sa siyudad na ito at kinumpiska mula rito ang nasa R2 milyon halaga ng ilegal na droga.

Kinilala ni Zamboanga City Police Office (ZCPO) Spokesman Chief Insp. Helen Galvez ang nadakip na si Madzrimel Asamuddin y Ahadain, 28, tubong Tawi-Tawi at pansamantalang nakatira sa Barangay Tetuan sa lungsod na ito.

Inaresto si Asamuddin sa Ortega Drive sa Bgy. Tetuan sa buy-bust operation, gabi nitong Nobyembre 9, at nakumpiska sa kanya ang 44 na maliliit na sachet at 16 na malalaking plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon, ayon kay Galvez. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog