BUKOD sa Papal Award, isa sa pinakamahalagang birthday gift na natanggap ni Ai-Ai delas Alas ang malaking image ni Mama Mary na iniregalo sa kanya ng partner niyang si Gerald Sibayan, anak na si Sancho Vito at ng girlfriend nito.

Tuwang-tuwa si Ai Ai nang dalhin sa bahay niya ang image sa eve ng kanyang birthday.

“Thank you very much baby boy panganay @sanchovito and nene and opkors darling na nasa Amerika pa lang pala kami inasikaso na niya ang bday gift ko... Grabe, dream ko yung magkaroon ng napakalaking Mama Mary 2 years na... at eto na siya... and to GOD ALMIGHTY THROUGH THE INTERCESSION OF MAMA MARY THANK YOU FOR THE GIFT OF LIFE... I love you LORD AND MAMA MARY...”

Sinundan pa ito ng, “Thank you darling ko and my baby boy for this memorable gift... hanggang nabubuhay ako hindi ko talaga makakalimutan labyu so much @geraldsibayan @sanchovito.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagkaroon ng celebration si Ai-Ai sa kanyang kaarawan pagkatapos igawad sa kanya ang Papal Award na ginawa ang seremonya sa The Good Shepherd Church sa Novaliches. Dumalo sa kanyang pa-party ang mga kasama sa Sunday Pinasaya.

Isa sa mga bumati ng happy birthday kay Ai-Ai si Mr. Deo Edrinal na nagpadala ng boquet of flowers at pinasalamatan siya ni Ai-Ai.

“Thank you sa mga flowers and message MR DEO EDRINAL. Thank you for remembering my special day.”

Ipinost din ni Ai-Ai ang message ni Deo na, “Happy Birthday Ai! Alam mo na mahal kita” at sinagot siya ni Ai-Ai ng, “Naku Mr. Edrinal... nakakaluha naman ang message mo alam mo din naman mahal kita... mahal ko kayo.”

Nagpadala rin ng flowers kay Ai-Ai si Vice Ganda at ang isa pang taga-ABS-CBN na si Biboy Arboleda. (Nitz Miralles)