DANAO CITY, Cebu – Walong hindi kilalang armado ang sumalakay sa bahay ng magkakapatid na drug suspect sa Barangay Dunggo-an, Danao City, at pinatay ang tatlo habang himbing ang mga ito.

Natatakpan ng mga tela ang mukha, pinagbabaril at napatay ng mga suspek sina Jay Lato, 30; Jake Lato, 27; at Jave Lato, 24, habang natutulog sa kanilang bahay pasado 1:00 ng umaga nitong Huwebes.

Kinumpirma ni Danao City Police head Chief Insp. Alejandro Batobalonos na nasa drug watchlist ng pulisya ang magkakapatid, bagamat hindi sumuko ang mga ito sa Oplan Tokhang.

Sinabi rin ni Batobalanos na kilalang drug den ang bahay ng mga Lato. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay