Malapit nang magkaroon ng katuparan ang minimithi ng milyun-milyong magniniyog na makuha ang P75 bilyong coconut levy fund, matapos na maaprubahan sa Senado ang pagtatag ng isang trust fund.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, 16 na Senador ang pumabor sa Senate Bill 1233 o An Act Creating the Coconut Farmers and Industry Trust Fund, Providing for its Management and Utilisation, and for Other Purposes.

Ang coco levy fund ay ilan lamang sa sinasabing nakaw ng pamilya ni dating Pangulo Ferdinand E. Marcos, at mga kaalyado niya habang sila pa ang nasa rurok ng kapangyarihan sa bansa.

Nasa national treasury na ang P75 bilyon, matapos katigan ng Korte Suprema ang paglilipat ng pondo, at tanging ang pagbuo ng trust fund na lamang ang pwedeng makapagpalabas nito. (Leonel M. Abasola)

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama