DENVER (AP) – Maagang naglagablab ang opensa ng Golden State Warriors, sa pangunguna ni three-point king Stephen Curry, tungo sa isa pang dominanteng 125-101 panalo kontra Nuggets nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Pepsi Center.

Isang araw matapos makaiskor si Klay Thompson ng 18 puntos sa first period kontra sa Dallas Mavericks, ratsada si Curry sa natipang 14 puntos sa loob ng unang 12 minuto para sa 38-19 bentahe na hindi na nagawang habulin ng host team.

Naisalpak ng reigning MVP ang pitong three-pointer, kabilang ang tatlo sa unang ratsada tungo sa one-sided win – ikalawang sunod ng Warriors matapos tambakan ang Dallas Maverick.

Tumapos si Curry na may 33 puntos, habang kumana sina Thompson at Kevin Durant ng 19 at 18 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nanguna sa Nuggets sina rookie Jamal Murray at Malik Beasley na may 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

BULLS 98, HEAT 95

Sa Miami, nagbalik si Dwyane Wade sa koponan na naging tahanan niya sa nakalipas na taon para pangunahan ang bagong koponang Chicago Bulls sa 98-95 panalo kontra Miami Heat.

Naglaro si Wade sa loob ng 32 minuto at nakapag-ambag ng 13 puntos, pitong rebound at apat na assist.

Nag-ambag si Jimmy Butler ng 20 puntos para sa Bulls, habang tumipa si Rajon Rondo ng 16 puntos at 12 rebound.

Nanguna sa Heat si Hassan Whiteside na kumubra ng 20 puntos at 20 rebound.

PELICANS 112, BUCKS 106

Sa Milwaukee, natuldukan ng New Orleans Pelicans ang seven-game losing skid sa maigting na panalo kontra Bucks.

Hataw si Anthony Davis sa Pelicans sa naiskor na 32 puntos, habang kumana si Etwaun Moore ng 20 puntos.