Dumanak ang dugo ng isang binata na umano’y magnanakaw at tulak ng ilegal na droga matapos pagtulungang barilin ng riding-in-tandem sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Arjay Villejo y Viloria, 24, ng No.529 Purok 4, Masville BF Homes ng nasabing lungsod, dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa katawan.

Inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklong walang plaka.

Sa ulat na natanggap ni Parañaque City Police chief Sr. Supt. Jose Carumba, dakong 12:15 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa West Service Road, J. Estrada 1 Compound BF Homes.

Probinsya

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51

Nakatambay umano ang biktima sa lugar nang sumulpot ang mga suspek at binaril nang malapitan si Villejo.

Narekober ng mga pulis ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 na baril sa pinangyarihan. (Bella Gamotea)