Aksiyong umaatikabo ang nasaksihan ng mga apisyunado ng sabong sa isinagawang 9th Leg One-Day 6-Stag Derby ng 2016 UFCC Stagwars nitong Sabado sa Ynares Sports Arena.

Pinangunahan ni Dorie Du (Davao) ng Davao Matina Gallera sa Davao City ang hatawan na tinampukan ng may 100 sultada. Nangunguna si Du sa kasalukuyan matapos ang tagumpay sa Circuit One ng 2016 UFCC Stagwars at sa 8th Leg 6-Stag Derby sa Lucky Sports Complex nitong Oktubre 29.

Matikas pa rin ang pakikihamok ng mga kapwa may limang puntos na sina Gov. Eddiebong Plaza (Boom); Tata Rey RFT (Rey Briones & Mayor Flores) at Cong. Peter Unabia at Femie Medina (JM Fafafa Sr. Pedro Knights).

Gaganapin din sa Ynares Sports Arena ang UFCC’s derby sa Nobyembre 12 at 15, habang host ang Biñan Coliseum ni Gerry Teves sa Nobyembre 10.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Samantala, handa na ang lahat para sa isasagawang 2017 World Pitmasters Cup sa Enero 15-21 sa Resorts World – Manila tampok ang premyong P15 milyon para sa entry fee na P88,000 at minimum bet ng 33,000. Tatayong host sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea.