Prayoridad ng Senado ang pagpapatibay sa panukalang P3.35 trillion budyet para sa 2017, gayundin ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagpapatuloy ng sesyon ng kongreso sa Lunes.

Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel III, ipapasa nila ang panukalang 2017 budget sa huling linggo ng Nobyembre para matalakay agad at maaprubahan ng dalawang kapulungan bago mag-Christmas break.

“We will exert our best efforts to timely conduct our hearings and ensure the early passage of this most important piece of legislation,” ani Pimentel.

Puspusang trabaho rin ang gagawin ng Senado para mapagtibay naman ang panukalang emergency powers na inaasahang reresolba sa matinding trapiko sa Metro Manila.

Musika at Kanta

JK Labajo, bukas sa ideyang maka-collab si Darren Espanto

Samantala nakalinya rin sa prayoridad ang pagtuldok sa kontraktuwalisyon, SIM card registration at amiyenda sa Bank Secrecy Law. - Leonel M. Abasola