Ni Angie Oredo

Target ni two-time champion Santy Barnachea na makasingit sa kasaysayan sa kanyang muling pagsikad sa pinakamalaking cycling competition sa bansa sa pakikipaghagaran sa 80 iba pang rider sa qualifying race ng LBC Ronda Pilipinas 2017 edition ngayon sa Subic Bay Metropolitan Authority sa Zambales City.

Ang 35-anyos na si Barnachea, nagwagi sa unang edisyon ng karera limang taon na ang nakalipas bago iniuwi ang kanyang ikalawang titulo sa ikalimang edisyon, ay magtatangkang makabalik sa main event sa kanyang pagsalang sa isang araw na qualifying meet.

Makikipag-agawan si Barnachea kontra sa 80 riders na kinabibilangan ng mga matitikas na sina Merculio Ramos, Alfie Catalan, Cris Joven, Mark Julius Bordeos at Alvin Benosa ng Philippine Army pati na sa bagong rekruta ng Navy na si Jay Lampawog sa pinakamalaking cycling race sa bansa na itinataguyod ng LBC.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Some of the biggest names in Philippine cycling are joining as well as some new ones whon are seeking glory so we’re expecting a really exciting qualifying race,” sambit ni LBC sports development head Moe Chulani.

Maliban sa isang araw na Subic race, magsasagawa rin ang Ronda ng ikalawang qualifier sa Disyembre 4 sa Bacolod City kung saan dagdag na 30 silya ang paglalabanan sa karera na suportado ng Mitsubishi, Petron, ASG Group, Dans360 at Donen at sanctioned ng PhlCycling sa ilalim ng president na si Abraham “Bambol” Tolentino.

Umaasa ang organizers na mas marami ang sasali sa Bacolod matapos na magdesisyon itong muling ibalik ang premyo sa orihinal na P1 milyon.