NAKITA at nakausap namin ang business unit head ng Dreamscape Entertainment na sina Ms. Julie Ann R. Benitez at Ms. Kylie Manalo-Balagtas na may hawak sa seryeng Till I Met You (TIMY) nina James Reid at Nadine Lustre.

Itinanong namin kung ano ang statement nila sa ipinadalang sulat ni MTRCB Chairman Eugenio ‘Toto’ Villareal sa TIMY na sina Direk Antoinette Jadaone at Andoy Ranay, executive producer na si Arnel Nacario at writer na si Shugo Praico noong Nobyembre 2 tungkol sa episodes na umere noong Oktubre 25 nang ipakita ang steamy love scene ng JaDine.

Bukod dito, nakatanggap din daw ng reklamo ang MTRCB sa October 27 at 28 episodes na may bathtub scene.

Katwiran ni Attorney Toto, “considering that ‘PG’ and ‘SPG’ ratings still admit the reality of having young audiences, the Board shall expect you to present your side at the said conference which shall be before a Committee particularly designated for the matter.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sabi ni Ms Kylie sa amin, “Magmi-meeting pa lang po kami ngayon nina Direk para po pag-usapan lahat, ‘tapos sa November 10 pa po ang punta namin sa MTRCB.”

Kaya pala kumpleto ang executives ng Till I Met You bukod kina Direk Tonette at Direk Andoy noong Huwebes sa Whistle Stop Restaurant, ELJ Building dahil may meeting nga sila.

Sumimple kami ng tanong kay Direk Tonet kung totoong hanggang ngayong Nobyembre na lang ang Till I Met You base sa mga naririnig naming kuwentuhan ng mga katoto at nasulat pa sa pamamagitan ng blind item.

“Parang hindi naman po, so far steady lang naman ang show namin, ‘yung hanggang November, parang hindi rin naman.

Alam ko mahaba pa kami,” katwiran ni Direk Tonette sa amin.

Nagtanong naman kami sa mga nakapanood ng mga umereng episode na sinasabing may steamy love scene, bathtub scene at ‘yung kissing scene at suggestive love scene sa kotse na at ayon sa kanila ay normal naman daw na ginagawa ang mga iyon ng magkarelasyon sa panahon ngayon.

“Hindi naman na 1960s ang set-up ng Till I Met You para hanggang kamay lang ang puwedeng hawakan at ipakita sa TV, computer age na tayo ngayon at saka late naman na umeere, di ba? Hindi naman maaga?

“Mas matitindi pa nga ‘yung mga eksena sa Pasion de Amor dati na before TV Patrol umeere, puro sexy ang suot ng mga babae at matitindi rin ang mga kissing scene, lagi nga naka-topless ang mga lalaki. Mas maaga ang timeslot no’n,”pangangatwiran sa amin ng mga nakapanood ng JaDine serye.

Malalaman natin sa November 10 kung ano ang pinagkasunduan ng TIMY dahil ia-update raw kami mismo ng business unit head ng programa na si Ms. Kylie. (REGGEE BONOAN)