Habang tinitipa ang balitang ito ay nag-aagaw-buhay ang isang pedicab driver matapos pagsasaksakin ng dating nobyo ng kanyang live-in partner sa Navotas City, nitong Huwebes ng hapon.

Patuloy na nagpapagaling sa ospital si Rico Estera, 34, ng R-10 Road, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ipinag-utos na ni Police Sr. Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, ang manhunt operation laban sa suspek na si Jerry Cabalag, 34, mangingisda, ng Pier 2, Navotas Fish Port, NBBS.

Sa imbestigasyon ni PO2 Paul Roma, dakong 3:00 ng hapon, nasa harap ng Crystal Cold Storage sa NBBS ang biktima nang lapitan ng suspek.

Ronald Llamas, nagpatutsada: ‘Singilin ang mga Tsinador!’

Sinabihan umano ni Cabalag si Estera na iwan na ang kinakasama nitong si Lourdez Dorina, na dating niyang nobya, at hayaan silang muling magsama at magkabalikan.

Hindi umano pumayag ang biktima sa gusto ng suspek at sinabing nagmamahalan na silang dalawa.

Sa puntong iyon, nagalit si Cabalag at inundayan ng saksak si Estera at mabilis na tumakas.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek. (Orly L. Barcala)