SAN JUAN, Puerto Rico (AP) – Nakumpiska ng mga awtoridad sa Puerto Rico ang halos 1,800 kilo ng cocaine, ang pinakamalaking bulto na nasamsam sa U.S. territory.

Sinabi ng U.S. Immigration and Customs Enforcement noong Miyerkules na nagkakahalaga ng halos $45 million ang droga na natagpuan sa isang bahay sa San Juan nang isilbi ng mga pulis ng federal arrest warrant sa kasong drug-trafficking.

Pitong lalaki mula sa Dominican Republic ang idinetine sa kaso. Apat sa kanila ay naaresto sa Puerto Rico.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na