Hiniling ni Senator Francis Pangilinan sa kongreso na gawing prayoridad ang pagsasabatas sa Coconut Trust Fund Bill upang maipamahagi na ang P75 bilyong coco levy fund at mapakinabangan ng may 3.5 milyong magniniyog.

Ayon kay Pangilinan, inaayos na nila ang committee report sa Senado pero wala pa ring resulta ang nasa Kamara.

“Meron tayong malinaw na mensahe mula sa administrasyon para ituwid ang kawalang katarungang ito na bunga ng Martial Law. Dapat nating madaliin ito para sa ating mga naghihirap pa ring magniniyog,” ani Pangilinan.

Nasa national treasury ang P75 bilyong pondo na kinulekta sa mga magniniyog noong panahon ng martial law, at magagalaw lang ito sa pamamagitan ng congressional approval. (Leonel M. Abasola)

Teleserye

Lena, evicted na sa 'Bahay ni Righouurr;' mga legal wife, nagbunyi