BELOIT, Wis. (AP) – Maaaring maharap si Hillary Clinton sa impeachment kapag siya ay nahalal na pangulo dahil sa paggamit niya ng private email server bilang secretary of state na isang paglabag sa batas, ayon kay Sen. Ron Johnson ng Wisconsin.

Sa isang panayam, sinabi ni Johnson sa Beloit Daily News noong Lunes na sinadya ni Clinton na paikutan ang batas.

Ayon sa Republican, “this was willful concealment and destruction” ng mga impormasyon na may kaugnayan sa national defense.

Nakasaad sa federal law na ang sinumang mapatunayan na nagkubli o nagtanggal ng mga record na ito ay disqualified sa paghawak ng posisyon sa gobyerno, ayon kay Johnson.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline