KAYA naman pala ganado si Andrea Torres sa action scenes niya sa Alyas Robin Hood dahil dream niyang maging action star. 

Favorite action movie siguro ni Andrea ang Columbiana ni Zoe Saldana dahil nasa socmed account niya ang picture ng aktres.

Sa Alyas Robin Hood, kahit papaano, natupad si Andrea ang pangarap niya dahil maraming action scenes na ipinapagawa sa kanya si Direk Dominic Zapata. Napakahusay ni Andrea sa fight scenes at hindi nagpapatalo sa mga nakakalaban.

Isa ang mga eksena niya sa inaabangan ng viewers dahil hindi lang siya maganda at sexy, mahusay rin sa fight at action scenes. 

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Dahil din sa role niyang si Venus sa action series, mas dumami ang humahanga kay Andrea at feeling nila, nakawala na siya sa tambalan nila ni Mikael Daez.

Kaya na ni Andrea na wala siyang ka-love team lalo na kung si Mikael na ang girlfriend na si Megan Young ay kasama ni Andrea sa Alyas Robin Hood at karibal pa niya kay Pepe (Dingdong Dantes). (Nitz Miralles)