Kabuuang 90 sultada ang naghihintay sa mga apisyonado ng lalawigan ng Laguna ngayon sa paglarga ng 8th leg ng 2016 UFCC Stagwars sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City.

Ilalatag ang prestihiyosong torneo sa 17 magkakahiwalay na derby na nakalinya para sa labanan sa Stagfighter of the Year sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum, Resorts World – Manila at Solaire Resorts & Casino.

Nagwagi sa 7th Leg nitong Oktubre 22 sa Las Piñas Coliseum si Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) ng Candelaria, Quezon na nangibabaw sa iskor na limang puntos upang makopo ang kampeonato, gamit umano ang mga manok na galing kay Lino Mariano ng Tupi, South Cotabato.

Samantala, ang labanan para sa 2016 UFCC Stagfighter of the Year ay lalo pang tumindi kung saan sina Dori Du/Teng Rañola (Davao), Joey delos Santos (San Roque) at Ricky Magtuto/Willard Ty (Ahluck) ay tabla sa unang puwesto sa iskor na 24 puntos bawat isa.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Nasa ikalawang puwesto naman na may tig-23 puntos sina Eric dela Rosa (Polomolok), Arman Santos (Jade Red) at Cong. Peter Unabia (JM Fafafa).

Magkasalo naman sa ikatlong puwesto na may tig-22.5 na iskor sina Nelson Uy & Dong Chung (Full Force), samantalang nagsama sa ikaapat sina Engr. Sonny Lagon (Blue Blade) at Rey Briones (Tata Rey)

Pagdating naman ng susunod na buwan, ang UFCC fights ay gaganapin na sa Ynares Sports Center sa Nob. 5, 12 at 15, pati na ang harapan sa Biñan Colsieum sa ika-10 ng Nobyembre.