BRYAN, Texas (AP) – Isang 19-anyos na babaeng estudyante ng Texas A&M University ang topless na nagse-selfie habang nagmamaneho, hanggang bumangga ang sasakyan nito sa likurang bahagi ng police car.

Si Miranda Kay Rader ay pinagpiyansa ng $200 matapos kasuhan ng drunken driving at possessing alcohol as a minor.

Ayon sa ulat ng pulisya, nag-iimbestiga ang mga pulis hinggil sa kaguluhan sa lugar, nang marinig nila ang pagbangga ng SUV na minamaneho ni Rader sa kanilang police car.

Sinabi ni Rader sa opisyal na kumukuha siya ng topless selfie sa Snapchat para sa kanyang boyfriend nang maganap ang pagbangga. Nakita ang isang bukas na bote ng wine sa loob ng sasakyan.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa