MUNTIK na kaming maloka sa ibinulong sa amin ng isang network insider tungkol sa isa nilang teleserye.

Kahit daw consistent top rater ang teleserye, nakatakda na raw itong tapusin. Nakakapagtaka dahil hindi pa naman gaanong nagtatagal sa ere ang serye, pero wala raw magawa ang mga namamahala ng show dahil desisyon na ‘yun ng management.

Ang dahilan ay ang napakanegatibong tsika hinggil sa bidang aktor ng serye na unti-unti nang kumakalat sa lahat ng sulok ng showbiz at siyempre, sa lalong madaling panahon ay malalaman na ito ng madla.

“Siyempre, aware ang management sa isyu, kaysa hintayin pa nilang isa-isang magkalasan ang advertisers ng show, eh, mas mainam pang hanggang mataas pa ang rating, eh, putulin na sa ere,” sey ng spy namin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag paliwanag pa ng source, ang pagkakasangkot daw sa isyu ng droga ng bidang actor ang dahilan ng lahat.

Matagal na rin namang palihim na isyu ang umano’y paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng bidang actor pero ngayon lang umiingay nang husto.

“May mga na-turn off na sa kanya na mga fans at may mga nakausap pa nga kaming mga fans niya na hindi sinasadyang nakita raw nilang ginagawa ‘yun ng kanilang idolo,” sey ng aming source.

Pero sa totoo lang namaan, walang makikitang palatandaan sa hitsura ng actor na gumagamit ito ng illegal drugs.

Maganda ang pangangatawan niya at maging sa pananalita lalo na sa mga interbyu ay matino siya.

Kaya naloloka kami, kasi malayung-malayo ang hitsura niya sa ilang taga-showbiz na pinagduduhang lulong sa ipinagbabawal na gamit.

“Well, marami kaming naghihinayang sa actor. Sana lang, hindi na lang pangalanan ni Pres. Duterte ang mga taga-showbiz na involved sa droga. Dahil kawawa naman siya, dahil tiyak hindi lang show ang mawawala sa kanya kundi pati na rin ang mga endorsement niya,” sey pa ng source namin.

Gayunpaman, naniniwala ang aming source na may panahon pa at may malaking pag-asa pa na magbago ang actor.

“Sana nga lang mag-isip-isip na siya ngayon dahil sayang siya. Kapag hindi niya tinigilan ang bisyo niyang ‘yan at hindi siya mag-iingat, eh, posibleng mawala sa kanya ang lahat-lahat,” sey pa ng source namin. (JIMI ESCALA)