Tig-P5,000 na emergency shelter assistance (ESA) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang matatanggap ng mga pamilyang sinalanta ng bagyong ‘Lawin’ sa North Luzon.

Inihayag ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na inatasan na niya ang mga lokal na opisyal sa Region 2, partikular na sa Cagayan at Isabela, upang tukuyin ang mahihirap na pamilya sa kani-kanilang nasasakupan na pagkakalooban ng nasabing tulong.

Aniya, ang pondo para sa ESA ay maaari nang ipalabas sa susunod na buwan para magamit ng mahihirap na pamilya sa kanilang pagbangon mula sa nasabing kalamidad.

Bukod dito, magpapatupad din ang DSWD ng cash-for-work program na mapakikinabangan ng mga apektadong pamilya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“We know that the rich and the poor alike have been hit by Lawin, but we need to give priority to the poor because they have so much less and their capabilities for immediate recovery are lower. We must ensure that those who need the assistance most will get it as soon as possible,” sabi ni Taguiwalo. (Rommel P. Tabbad)