Napatay ang isang lalaking namaril at nakapatay sa 80-anyos na babaeng asset umano ng pulisya matapos manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Barangay Sangali, Zamboanga City.

Ayon sa ulat ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), kinilala ang napatay na si Kasim Yunos.

Batay sa imbestigasyon ni Chief Insp. Chester Natividad, hepe ng Sangali Police, si Yunos ang itinuturong bumaril at nakapatay sa asset ng pulisya na si Naniyang Sali Absara, 80 anyos.

Agad na nagsagawa ng pursuit operation laban kay Yunos hanggang sa abutan ito sa nasabing barangay at magkabarilan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Si Yunos ay pangunahin umanong tulak sa Bgy. Sangai at sangkot din umano sa pagpapasabog ng granada sa labas ng nabanggit na himpilan ng pulisya. (Fer Taboy)