KABUUAN 10 club team mula sa Europe at United States ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa 2-in-1 Asian Dragonboat Championships na idaraos sa Nobyembre 11-13 sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang club teams na buhat sa bansang Germany at USA ay kalahok sa International Club Crew Championships na gaganapin sa hapon ng Nobyembre 12 hanggang 13 pagkatapos ng Asian Championships for national team na idaraos sa Nobyembre 11 at 12 ng umaga.

Makakatunggali ng mga club teams mula Germany at USA ang mga karibal mula sa mga Asian countries na kinabibilangan ng Japan, Iran, Taiwan, Singapore, Thailand, India, Indonesia at Brunei.

Ang nabanggit na mga Asian countries ang may mga kinatawang national squads na maglalaban- laban sa unang kategorya ng kompetisyon kung saan paglalabanan, ang mga events na pawang may distansiyang 500 metro na kinabibilangan ng amen’s at women’s 20 seaters, men’s 10 seaters at mixed juniors (15-19 taon)10 seaters sa unang araw at mga events na may distansiyang 200 metro ang men’s crew 20 at 10 seaters, women’s crew 10 seaters at mixed juniors crew 10 seaters sa kinaumagahan ng ikalawang araw.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Para sa International Club Crew na sisimulan sa Nobyembre 12, ang mga events na paglalabanan ay ang men’s crew 20 seaters, at mixed crew 20 seaters. (Marivic Awitan)