Mga Laro Ngayon

(Philsports Arena)

12:30 n.h. -- Army vs Supra (Turf)

4 n.h. -- UP vs

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

BaliPure (V League)

6 n.g. -- Pocari vs Customs (V League)

Umiigting ang labanan para sa Final Four at sa huling limang playing days, mas kinakailangan nang mga koponan na makaiwas sa bangin ng kabiguan para makausad sa susunod na round ng Shakey’s V League Reinforce Conference.

Sa kasalukuyan, tanging ang University of Santo Tomas ang nakasisiguro ng playoff para sa Final Four slot, sa kabila nang paglalaro na All-Filipino.

Ngayon, tatangkain ng Bureau of Customs na makasingit sa labanan sa pakikipagtuos sa Open Conference champion Pocari Sweat sa tampok na laban ganap na 6:00 ng gabi.

Mauuna rito, pupuntiryahin ng Balipure ang ikatlong sunod na panalo matapos mabigo sa una nilang laro kontra UST sa pakikipagtagpo sa University of the Philippines sa 4:00 ng hapon.

Sa pangunguna ni Alyssa Valdez at dalawa nilang Thai reinforcements tatangkain ng Transformers na makopo ang ikaapat na panalo kontra Lady Warriors na nakabuntot sa Manila kasalo ng Water Defenders na may 2-1 karta,

Magtutuos ang Philippine Army at ang Champion Supra sa nag iisang laro ng Spikers Turf Reinforced Conference ganap na 12:30 ng hapon.

Tatangkain ng Army na makabangon sa natamong kabiguan sa ikalawa nilang laro sa kamay ng wala pang talong Air Force upang makasalo sa ikalawang puwesto na pinagsasaluhan ngayon ng Cignal at Instituto Esthetico Manila na kapwa may barahang 2-1.

Sa kabilang dako, hangad ng Champion na makabalik sa winning track matapos mabigo sa nakaraan nilang laro kontra IEM na nagbagsak sa kanila sa record na 1-2. (Marivic Awitan)