Mas naging kampante at matatag ang University of Santo Tomas sa decider set para maungusan ang Laoag, 25-22, 25-27, 18-25, 27-25, 15-12 at makopo ang unang semifinal berth sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference Miyerkules ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ibinigay ni Cherry Rondina mula sa isang combination play ang winning kill na nagpataob sa Power Smashers at nagpa-angat sa Tigresses sa barahang 5-1.

Nakuha ni EJ Laure ang laro sa huling dalawang set at nagtapos na may 22 puntos habang nagdagdag ng 14 puntos si Ria Meneses at 13 puntos kay Rondina para pangunahan ang Tigresses sa panalo.

Pinangunahan ang Laoag ni Grethcel Soltones na may 27 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nauna rito, nakabangon ang Air Force mula sa dalawamg sunod na pagkatalo makaraang gapiin ang Coast Guard, 25-11, 25-19, 25-8, para mapanatili ang tsansang makahabol sa semifinals. (Marivic Awitan)