Dalawang batang weightlifter na inaasahang susunod sa yapak ni 2016 Rio De Janiero Olympics Games silver medalist Hidilyn Diaz ang nakatakdang sumabak sa IWF Youth World Championships sa Oktubre 19-25 sa Penang, Malaysia.

Sinabi ni Philippine Weightlifting Association (PWA) vice-president Elbert “Bong” Atilano na mataas ang kumpiyansa nina John Paolo Rivera Jr., 14, na sasabak sa boys 50 kg category at Ma. Dessa A. Delos Santos, 16, sa girls 53 kg. category.

“We’re preparing them for the coming Asian Youth Games and then to the Youth Olympic Games,” sabi ni Atilano.

Paglalabanan sa torneo ang mga kategorya sa boys 50kg, 56kg, 62kg, 69kg, 77kg, 85kg, 94kg, +94kg habang sa girls class ay ang 44kg, 48kg, 53kg, 58kg, 63kg, 69kg at +69kg.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Inaasahang magpapadala ng kanilang lahok ang mahigit sa 50 miyembrong bansa ng International Weightlifting Federation (IWF).

Matapos lumahok sa torneo, agad na rin magtutungo ang pambansang delegasyon para lumahok sa 18th Asian Youth, 23rd Asian Junior Women’s and 30th Asian Junior Men’s Weightlifting Championships sa Tokyo, Japan Nobyembre 11-16.

(Angie Oredo)