Patay na nang matagpuan ang isang matandang lalaki sa gilid ng simbahan sa Binondo, Maynila, nitong Martes ng gabi.
Inilarawan ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), ang biktima na nasa edad 60 hanggang 65, may taas na 5’5”, payat, nakasuot ng asul na polo at itim na pantalon at may tattoo na ‘Kenneth Love Lance’ sa katawan.
Dakong 6:30 ng gabi, natagpuan ang biktima ng isang concerned citizen sa gilid ng San Lorenzo Ruiz Church na matatagpuan sa Norberto Ty Street, Binondo, at kaagad ipinaalam sa mga awtoridad ang nakita.
Hinihintay pa ang resulta ng awtopsiya upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng matanda. (Mary Ann Santiago)