CEBU – Isang linggo matapos magdeklara ng dengue outbreak sa buong Cebu, isinailalim na ng Sangguniang Panglalawigan ang lalawigan sa state of calamity, at suportado na ito ngayon ng Department of Health (DoH)-7.

Si 7th District Board Member Christopher Baricuatro ang may akda ng panukala kasunod ng pagsusumite ng report ng Provincial Health Office (PHO) na naipakitang dumami ang kaso ng dengue sa probinsiya simula noong Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

Dahil nasa state of calamity, magagamit na ng PHO ang nasa P1.5 milyon mula sa quick response funds ng lalawigan para masugpo ang dengue sa Cebu, na ngayon ay may 5,821 kaso na at 55 pagkasawi. (Mars W. Mosqueda)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder