NAGSALITA na ang assistant ni Kim Kardashian-West sa pananahimik ng huli sa social media at sinabing, “taking some much needed time off” ang reality star sa pagbabahagi ng updates sa kanyang phone app makaraang maholdap at tutukan ito ng baril sa Paris, ayon sa handwritten note na ipinost sa app noong Lunes ng kanyang assistant.

“But not to worry,” saad pa ni Steph Shep, palayaw ng assistant ni Kim na si Stephanie Sheppard. “We’ve called upon Kims (sic) closest friends, fam & yours truly to serve up some exclusives.”

Ipinangako ni Sheppard na: “Stay tuned for new posts and app takeovers!!”

Patuloy pa ring nanahimik si Kardashian-West sa lahat ng kanyang social media account simula noong Oktubre 3, nang maganap ang pagnanakaw sa kanyang mga alahas sa loob ng kanyang kuwarto sa isang hotel sa Paris at iniwan ang star sa bathtub ng mga suspek na hindi pa rin nahuhuli hanggang ngayon. Tinataya na mahigit $10 million ang halaga ng mga alahas na ninakaw ayon sa mga pulis.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi karaniwang social media spot ang paid app ni Kardashian-West na kailangang bayaran para ma-access. Wala pa rin siyang update simula nang maganap ang pagnanakaw.

Inihayag ng kapatid ni Kim na si Khloe Kardashian sa The Ellen DeGeneres Show isang linggo pagkaraan ng pagnanakaw, na ang insidente ay magsisilbing “wake up call to make a lot of life adjustments” para sa kanilang lahat na bida sa reality show ng kanilang pamilya. (AP)