Tatlong katao, kabilang ang isang Korean, ang naaresto ng mga pulis sa buy-bust operation sa Marikina City nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Lorenzo Holanday, hepe ng Marikina City Police, ang mga naaresto na sina Hee Wang, 37, Korean; at asawa niyang si Cheryl Cruz. Nadakip din kasama nila si Raymund Paulino.

Ayon sa police report, naaresto ang mga suspek sa bahay ni Wang sa Raja Matanda Street sa Barangay Parang, matapos makabili ng droga ang poseur buyer.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspek ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu at P500 marked money.

Metro

Karagdagang bus at libreng sakay, ipatutupad kasabay ng transport strike

(Madelynne Dominguez)