Isang behikulo ang sports upang mailayo ang mga kabataan sa ilegal at ipinagbabawal na mga gamot.

Ito ang pangunahing dahilan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte katulong mismo ang Philippine Sports Commission sa pag-organisa at pagsasagawa ng 2016 Batang Pinoy National Championships para sa kabataang atleta edad 17-anyos pababa sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 3 sa Tagum City at Davao Del Norte.

“The President really wants a healthy citizenry and a drug free community, and it starts when our young generation,” pahayag ni PSC Commissioner Charles Maxey.

May Kabuuang 28 sports ang paglalaban sa torneo na inaasahang pagmumulan ng mga bagong talento para sa national Team.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Siniguro rin ni Maxey, gayundin ni Batang Pinoy Commissioner-In-charge Celia Kiram at PSC Executive Assistant to Chairman Ronnel Abrenica ang kaligtasan ng inaasahang lalahok na 10,000 atleta at technical official.

“The PSC had already coordinated with all concerned security agencies in the host city and province, and they assured us of full safety and security of all the athletes, officials, delegates and even parents that will participate in the Batang Pinoy meet,” sabi ni Abrenica. Ilan sa pagbabago sa torneo ay ang konsepto ng torneo kung saan yaong pinakamahuhusay na atleta ng LGU ang kanilang isasabak. Inalis na ang naunang ginaganap na qualifying meet. (Angie Oredo)