LILOAN, Cebu – Nasawi ang isang construction worker habang walo pa niyang kasamahan ang nasugatan makaraang gumuho sa kanila ang pader ng ginagawa nilang hardware store outlet sa Barangay Cotcot sa bayang ito, nitong Biyernes ng hapon.

Kinumpirma kahapon ni PO3 Jason Gayo, ng Liloan Police, na binawian ng buhay si Lazaro Capa Jr. kahapon ng umaga dahil sa matinding pinsalang natamo nito.

Kritikal ang kondisyon ng dalawa pang nasugatan habang kaagad namang nakalabas sa ospital ang anim na iba pa na nagtamo ng minor injuries.

Ayon sa paunang imbestigasyon, posibleng mahina ang pundasyon ng istruktura at pinalala pa ito ng ilang araw nang pag-uulan hanggang sa tuluyang gumuho ang pader. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog