PAGKALIPAS ng limang taon ay muling tumanggap ng sexy role si Lovi Poe, ang The Escort kasama sina Derek Ramsay at Christopher de Leon under Regal Films at mula sa direksiyon ni Enzo Williams.

Hindi na bago ang kuwento ng The Escort na matagal nang nangyayari at patuloy na nangyayari at hindi na rin naman lingid sa atin na ang karamihang gumagawa nito ay nasa showbiz o mga personalidad sa modeling world.

Sa trailer pa lang ng The Escort ay napakaseksi na ni Lovi at matitindi ang love scenes kina Derek at Boyet kaya napa-wow lahat ng mga nakapanood sa presscon na ginanap sa Valencia Events nitong nakaraang Miyerkules. ‘Buti raw at napapayag ang aktres na gawin ang pelikula.

Hindi itinanggi ni Lovi na ito ang pinakamatinding pelikulang nagawa niya nang makausap namin siya pagkatapos ng Q and A.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I think it is the sexiest I’d done. Siguro matagal na panahon din akong napahinga sa ganitong klaseng pelikula, now that I’m back, suwerte po ako na kasama ko sina Derek at Christopher,” nakangiting sabi ng dalaga.

Unang napanood sa daring role si Lovi sa My Neighbor’s Wife (2011) kasama sina Jake Cuenca, Carla Abellana at Dennis Trillo. Ano ang nararamdaman niya kapag may eksena siyang nakikipagtalik?

“ Kapag mga ganu’n eksena po kasi, marami kang maiisip, siyempre ngayon mo lang ito gagawin sa harap pa ng maraming tao with all the cameras, ang suwerte ko po kasi sobrang gentleman nila, parehong maalaga po sina Derek at Mr. Boyet so I’m just very lucky,” sagot ni Lovi.

Kanino siya mas nahirapang makipag-love scene?

“Hindi naman po ako nahirapan, it’s just that magkaiba ‘yung atake ng love scene namin ni Sir Boyet sa scene namin ni Derek because isa sa kanila is with love at isa sa kanila is work na kinailangang gawin.

“Magkaibang epekto rin, kasi with Derek, with so much love. May scene kami ro’n ni Sir Boyet na sobrang simple lang ng eksena, pero ang galing ng direktor namin dahil from someone who’s very gentleman ‘tapos magiging rough,” paliwanag ng aktres.

Hubo’t hubad ba talaga si Lovi sa mga eksena at naiilang ba siya sa mga tao sa set?

“Of course, nakakailang talaga, but suwerte ako kasi we have to take care of camera angles, meron din naman po akong takip pero, siyempre may mga parts na ‘yung takip na lang naiwan,” sagot ng dalaga.

“Kahit po ginagawa ko naman ito (love scenes), ayoko namang magpakita ng... (private parts), meron akong skin-tone (damit).”

Sa susunod na pelikula, kaya pa ba niyang higitan ang ginawa niya sa The Escort?

“I think, kaya pa, it’s not about the love scene kasi iba naman ang istorya nito. If I’ll be given a different kind of story, puwede pa po,” paliwanag ng aktres.

Para mas maganda ang kalalabasan ng love scene, nag-shot daw muna sina Lovi at Derek.

“Nag-shot muna kami bago mag-eksena ‘tapos namili kami ng song na puwede naming sabayan para may rhythm ‘yung love scene namin,” pagtatapat ng dalaga.

Malakas ba ang loob niyang gawin ang mga eksena dahil wala siyang karelasyon ngayon?

“With or without naman, I still be able to do it,” hirit ng dalaga. “I’m single now and I’m open to dating people,” napangiting sabi pa.

May regular date si Lovi, ang French guy na si Chris Johnson na ayon sa aktres ay kaibigan lang niya at nagbakasyon lang dito sa Pilipinas na nakilala naman niya sa pamamagitan ng friends niya.

Naimpluwensiyahan ba siya ng mga kaibigan niya na puro foreigner ang napangasawa, tulad nina Solenn Heussaff, Isabelle Daza, at iba pa?

“Hindi ako naimpluwensiyahan, it’s just happened na I met him here for a vacation and ‘yun nga may effort na bumibiyahe talaga siya rito,” sangga ng aktres.

“I don’t believe in courtship kasi, courtship is best foot forward, hindi ako naniniwala sa ganu’n. I believe in companionship na tipong you get to know the person even more. And the thing is, okay naman ako sa ganitong set-up.

Yes, we communicate pero malayo siya sa akin and it’s a good thing for me kasi I don’t want to get into relationship right now, mas gusto kong sarili ko muna, trabaho ko muna.”

Mapapanood ang The Escort sa Nobyembre 2 at may premiere night ito sa Oktubre 27. (Reggee Bonoan)