Kinalampag ni Senate President ProTempore Franklin Drilon ang economic managers ng administrasyong Duterte na kumilos para patatagin ang ekonomiya.

Binanggit niya ang paghina ng iniluluwas na produktong tuna mula sa General Santos City at patuloy na pagbaba ng halaga ng piso bunga ng mga pabag-bagong polisiya ng gobyerno. Maging ang seaman industry ay maapektuhan din kapag umatras ang EU dahil aabot sa 25,000 Pinoy ang mawawalan ng trabaho sa barko.

Dapat aniyang gumawa ng precautionary measures ang bansa para maibsan ang epekto sakaling maputol ang foreign aid contributions sa Pilipinas, o kapag pinatulan ng United States at ng European Union ang hamon ng Pangulo na ‘wag nang magbigay ng tulong.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Antagonizing multilateral institutions and having poor relations with other countries may have serious economic consequences,” babala ni Drilon. (Leonel M. Abasola)